30-35% Covid-19 positivity rate Sa Sorsogon City, pwedeng makontrol kung lahat ay makikiisa- CHO

SORSOGON CITY—Inihayag ni Dr. Rolando Dealca, head ng Sorsogon City Health Office (CHO) na pumapalo ngayon sa 30 hanggang 35% ang positivity rate ng COVID-19 sa lungsod ng Sorsogon, mas mataas sa mga nagdaang buwan.

Anya, inaasahan na ito lalo pa at mayroong mga nagdaang okasyon kung saan hindi naiwasan ang malakihang mga pagtitipon, pero pwede pa rin umanong makontrol ang mga kasong ito kung makikiisa ang lahat sa pagsunod sa mga preventive measures.

Binanggit ni Dealca ang patuloy na pagsunod sa minimum health standards gaya ng pagsusuot ng facemask na siya umanong isa sa pinakamura ngunit pinakaepektibong paraan para malabanan ang pagkahawa sa Covid-19 at gayundin ang pagpapabakuna.

Pagbibigay diin nito, hindi pa rin tapos ang pandemya kung kaya tuloy pa rin ang laban kontra Covid-19 kaya hindi dapat magkampante ang mga mamamayan.

Positibo ang opisyal na kayang mapababang muli ang Covid-19 cases sa lungsod lalo na at dati na umanong naabot ang zero active case sa mga nagdaang buwan.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *