CAMARINES NORTE- Arestado ang mag live- in partner matapos makuhaan ng dalawanpung gramo ng hinihinalang shabu, baril at bala sa isinagawang buy bust operation ng mga awtoridad mag- aala una ng madaling araw nitong Biyernes sa Purok 4, Barangay Casalugan, Paracale, Camarines Norte.
Kinilala ang mga naarestong personahe na si alyas “Malyn,” 30 anyos, walang trabaho na kabilang sa listahan ng Regional Recalibrated Database on Illegal Drugs ng PNP at ang kinakasama nito na si alyas “Eloy”, 39 anyos, mining financier, pawang residente ng nasambit na lugar.
Nakuha sa pag iingat ng mga suspek ang isang piraso ng selyadong plastik na pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu na siyang nagsilbing buy-bust item, buy bust money at tatlong piraso ng selyadong plastik na pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu.
Ang mga nakuhang hinihinalang “shabu” ay may street value na Php 136,000.00.
Nakuha rin sa naturang operasyon ang isang caliber 9mm pistol na walang serial number na kargado ng isang magazine at labing tatlong bala.
Mahaharap ang mga naarestong personahe sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022 at Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Nasa kustodiya ngayon ng Paracale Municipal Police Station ang mga naarestong personahe gayundin ang mg nakuhang ebedensiya para sa kaukulang disposisyon.
Photo Courtesy: Aris Zante Zamudio Alexpolous