30 anyos na dalaga  arestado sa ikinasang search warrant operation kontra iligal na droga sa bayan ng Basud Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Nagresulta sa pagkakaresto ng isang 30 anyos na dalaga ang ikinasang operasyon kontra Iligal na Droga ng mga tauhan ng Basud MPS bandang alas 6:05 ng gabi nitong May0 23, 2022 sa Purok 1,Brgy. Mocong, Basud,  Camarines Norte

Kinilala ang babae sa alyas “Tinay”, residente ng nabanggit na lugar.

Isinilbi sa suspek ang Search Warrant para sa paglabag sa Section 11 ng RA 9165 na ipinalabas ni Hon. Judge Ivan Dizon ng RTC, Branch 40, Daet, Camarines Norte na may petsang Mayo 20, 2022.

Sa report ng pulisya,  Ang nasabing operasyon ay nagresulta sa dagliang pagkakaaresto ng suspek matapos na makuha sa pamamagitan ng paghalughog sa mismong tahanan nito ang isang lata ng biscuit na naglalaman ng apat (4) na piraso ng maliliit na selyadong plastik na pakete ng hinhinalang shabu.

Tinataya namang umaabot sa 0.4 na gramo ang timbang ng nakuhang ebidensya na may katumbas na halagang umaabot sa Php2,000.00.

Ang naarestong personahe ay kasalukuyang nasa kustodiya na ng Basud MPS habang ang mga nakuhang ebidensya ay dadalhin sa Provincial Forensic Unit ng Camarines Norte PPO para sa pagsusuri bago dalhin at ibalik kasama ng orihinal na kopya ng search warrant sa korteng pinagmulan nito.

Samantala, kasong paglabag sa Section 11 ng RA 9165 ang inihahanda na ng mga imbestigador upang kaharapin ng nabanggit na suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published.