30 anyos na lalaki, biktima ng panibagong kaso ng pamamaril sa Cotabato City

NASA MASELAN ngayon na kondisyon ang isang lalaki matapos siyang pagbabarilin ng mga di pa tukoy na salarin sa ND Village Rosary Heights 8, Cotabato City.

Kinilala ng City PNP Station 2 ang biktima na si Eduardo Remegio alyas Jun-Jun, 30 years old, hiwalay sa asawa, self employed at residente ng nasabing lugar.

AYON sa report, pinipinturahan umano ng biktima ang kanyang motorsiklo ng lapitan ng di nakilalang salarin at pinaputokan ng ilang beses bago ito tumagkbo pabalik sa naghihintay nitong kasamahan saka tuloyang humarorot ang mga ito palayo sakay ng motorsiklo.

Nagawa naman ng sugtang biktima na tumakbo papalayo at huminge ng saklolo para madala sa ospital.

Patuloy na inaalam ngayon ng mga otoridad kung anu ang motibo at sino ang nasa likod ng pamamaril.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *