CAMARINES NORTE – Nanumpa at aktibong nagbahagi ng mga plano at proyekto ang 30 bagong halal na opisyales ng Provincial Youth Leadership Summit o PYLS Officers para sa kabataang CamnorteΓ±o.
Nanguna sa isinagawang Oath Taking Ceremony ang mismong Civil-Military Operation Officer ng 9th Infantry (SANDIGAN) Battalion na si 1st Lt. Gheppe Gonzales na sinundan ng paglalatag ng mga plano at proyekto kung saan ipinamalas ng mga PYLS Officers ang kanilang pagmamahal at hangarin para sa kabataan.
Layunin ng 9th Infantry (SANDIGAN) Battalion na maging katuwang ang kabataan bilang aktibo at may malaking maiaambag na sektor sa pagpapanatili ng kaayusan, pag-unlad at kapayapaan sa lipunan.
Kaugnay dito, nagpaabot naman ng mensahe ng pasasalamat ang Acting Commanding Officer ng 9IB na si Lt. Col. Dennis Santos, Ayon sa kanya, βIto ay simula pa lamang umano ng magandang ugnayan tungo sa maraming aktibidad dito sa buong Camarines Norte. Nagpasalamat din si Lt. Col. Santos sa buong pusong pagboluntaryo. Naniniwala umano siya at ang buong kasundaluhan sa kakayahan na magagawa ng mga kabataan.
