30 kaso ng COVID-19, naitala sa Albay

LEGAZPI CITY – Nakitaan na naman ng pagtaas ang mga kaso ng sakit na COVID-19 sa lalawigan ng Albay, kung saan ito ay nadagdagan ng 30 bagong kaso kahapon.

Sa datos ng Department of Health (DOH) Bicol, labing-isa ang mga nagpositibo sa Legazpi City; anim sa Daraga; tigdalawa sa Camalig, Libon, Malinao, at Tabaco City; habang pawang tig-iisang kaso naman ang naitala sa Bacacay, Guinobatan, Malilipot, Oas at Rapu-rapu.

Sa kabuuan, naitala ang 35.71% ng pagtaas o pagdagdag ng mga nagpopositibo sa nasabing sakit sa lalawigan.

Samantala, hindi pa rin naman nagbabago ang paalala ng DOH maging ang Albay Provincial Health Office tungkol sa pagsunod sa mga health protocols at pagpapabakuna upang maiwasan ang pagkalat ng nasabing sakit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *