30 katao patay sa pag-atake ng Russia sa isang apartment building sa Ukraine

Tatlompu katao ang patay sa missile attack ng Russia sa isang apartment building sa Dnipro, Ukaraine.

Hindi naman bababa sa 75 katao ang nasugatan sa pag-atake  kung saan 30 sa kanila ay nasa ospital pa rin.

Labindalawa sa mga naospital ang nananatiling nasa malubhang kondisyon kabilang ang isang 9 na taong gulang na batang babae.

Sinabi ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na dosenang tao kabilang ang isang 3 taong gulang na batang babae ang nailigtas mula sa gusali.

Nagpapatuloy pa ang rescue operation na isinasagawa ng mga awtoridad.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *