30 Magsasaka sa Capalonga nakatanggap ng financial assistance mula sa DA sa ilalim ng Rice Farmers Assistance

CAMARINES NORTE- Umaabot sa tatlumpung magsasaka sa bayan ng Capalonga, Camarines Norte ang nakatanggap ng tulong mula sa Department of Agriculture sa ilalim ng Rice Farmers Financial Assistance Program.

Ayon sa Lokal na Pamahalaan, nanggaling ang mga ito sa iba’t- ibang barangay ng naturang bayan

Ang maganda umano nito ay dinala sa  Municipal Building ang proseso ng pagbibigay ng “Financial Assistance” para sa mga Capalonguenos na lehitimong Rice Farmers na dapat  sana ay ginanap sa Daet.

Nangyari ito sa pakikipagtulungan ng LGU a pamamagitan ni Municipal Agriculturist – Dr. Hulsey Orit.

Malaking tulong umano ang ginawa ng DA para sa mga taga Capalonga na Rice Farmers at sa mga Bedridden nang magsasaka, dahil hindi na sila maaabala sa pagpunta sa Daet bagkus mapapadali na ang proseso dahil ginanap ang distribution sa  municipal building.

Ang Rice Farmers Financial assistance ay isang programa ng DA sa layuning matulungan ang mga magsasaka lalo na ngayong mahirap ang buhay na dulot na rin ng kinakaharap na pandemya.

Katuwang ng DA ang mga lokal na pamahalaan sa naturang programa.

Leave a Reply

Your email address will not be published.