30 motoized bangka natanggap ng mga mangingisda sa Tabaco City

LEGAZPI-Naibigay na ng Department of Labor and Employment (DOLE) Bicol sa local na gobyerno ng lungsod ng tabaco ang aabot sa 30 motorized bangka na nakalaan para sa mga mangingisdang ngayong pandemic.

Naibigay na umano ito sa mga mangingisdang mula sa Fatima Fishport, ng nasabing lungsod.

Samantalang si DOLE Bicol Regional Director Maria Zenaida Angara-Campita at iba pang matataas na opisyal ng nasabing tanggapan, personal na nag-abot ng nasabing mga bangka sa mga mangingisda.

Ang nasabing mga motorized bangka ay nagkakahalaga ng  P900,000.00 at P36,000.00 bilang counterpart ng LGU para sa pagbili ng mga ito.

Ang nasabi parin umanong tulong ay bahagi ng DILP or Kabuhayan isang grant assistance para sa mga mahihirap, vulnerable and marginalized workers.

Leave a Reply

Your email address will not be published.