Naniniwala ang tatlo sa bawat sampung mga Pilipino bumuti ang kaldiad ng kanilang buhay sa nakalipas na isang taon.
Sa survey ng Social Weather Stations (SWS), 30% ng mga Pilipino ang naniniwalang ‘mas mabuti kaysa noon’ ang kanilang mga buhay.
Sa kabila niyan, 29% naman o halos tatlo sa bawat sampung Pilipino rin ang nagsasabing ‘mas masama kaysa noon’ ang buhay nila sa ngayon, kung ikukumpara sa nakalipas na 12 buwan.
Samantala, 41% ang nagsabing walang pinagbago at nananatili pa rin sila sa parehong estado mula noong 2021.
Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,500 na adults sa bansa.
Tatlong daan sa nasabing bilang ay nagmula sa Metro Manila, Visayas, at Mindanao, habang 600 naman ang nagmula sa Luzon.