300 Indibidwal sa bayan ng Magalang, Pampanga ipapadala sa South Korea

Mabibigyan ng pagkakataon na makapag trabaho sa bansang South Korea ang nasa 300 MagaleƱos sa ilalim ng Foreign Seasonal Workers Program.

Isinagawa kahapon sa Plaza Magalang ang kanilang orientation at briefing kasama ang mga representante ng Songyu-gun South Korea at lokal na opisyal ng Magalang sa pangunguna ni Mayor Malu Lacson.

Inaasahan namang sa February 2023 pa ang lipad ng mga ito papuntang SoKor.

Matatandaang nitong nakaraang buwan nang mag tungo sina Pampanga Governor Dennis Pineda at mga kinatawan ng Pampanga mayors league para makipag pulong sa mga opisyales ng naturang bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *