300 Kilos na “blue marlin” nalambat ng mga mangingisda sa Ilocos Sur

ISANG malaking biyaya mula sa karagatan ang nalambat ng mga mangingisda sa  bayan ng Cabugao, Ilocos Sur nitong gabi ng November 15.

Batay sa ulat ng local media sa lugar, isang dambuhalang blue marlin na tinatayang may sukat na pitong metro o 20 feet at may bigat na 300 kilos ang nadakip ng mga mangingisda at pinagkaguluhan ng mga residenteng nakatira malapit sa dalampasigan kung saan ito inahon.

Sa sobrang laki nito, nahirapan ang mga mangingisdang iahon at dalhin sa dalampasigan ang isda kung kaya’t kinailangan ng aabot sa halos 16 na kalalakihan ang magtulong-tulong na gumugol naman umano ng kalahating araw para lamang maiahon ang dambuhalang isda.

Agad namang naibenta ang dambuhalang blue marlin na pinag-agawan ng mga mamimili noong gabing iyon.

Ayon sa Ilocos Sur Fisheries Division, tuwing panahon ng “ber months” ay normal umano sakanilang lugar ang paglabasan at pagkakahuli sa mga dambuhalang isda.### JDR

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *