NAGA CITY – Natakot at ayaw sa CoronaVac ng Sinovac ang humigit kumulang 300 mga senior citizens ng lungsod, kaya hindi sumipot ang mga ito sa kanilang schedule sa pagbabakuna noong nakaraang araw.
Naging dahilan ito para mag desisyon ang City Government na tanggapin ang mga walk-in na nasa kategoriya ng A1, A2 at A3.
Ito ang paliwanag dito sa Brigada News FM Naga ni Liga President at Ex Officio Member City Councilor Antonio Dodit Beltran, hinggil sa naturang pangyayari.
Dagdag ni Beltran, nakausap niya ang mga senior citizens at napag-alaman niya na takot ang mga itong magpaturok ng mula sa Sinovac kahit pa may mga nauna na sa kanila.
Maghihintay na lamang daw ang mga itong dumating ang ibang brand ng bakuna kontra COVID-19 bago magpaturok.
Kaugnay nito, ngayong araw, pupulongin ni Beltran ang mga kasamahang punong barangay para mag isip ng iba pang mga istratihiya para mahikayat muli ang mga senior citizen.
NAGA CITY - Mandato bilang Local Economic Enterprise at dumaan sa assessment ang panibagong terminal…
Pansamantala nang nakalaya mula sa pagkakakulong ang anim na aktibistang inaresto ng pulisya sa kasagsagan…
GIAWHAG sa usa ka konsehal ang Legal Office sa GenSan nga hatagan og legal nga…
LEGAZPI CITY – Arestado an 30 anyos na lalaki na kairibahan sa listahan kan drug…
Pinaalalahan ni Senate President Migz Zubiri ang kanyang mga kasamahan sa Senado na iwasang gamitin…
NASAMPOLAN ang duha ka pulis nga naaktohan nga naggamit og cellphone samtang actual nga nag-duty…