Nasa 3,000 sundalo mula sa Philippine Army at United States Army Pacific ang nakikibahagisa taunang Salaknib Exercise na nagsimula kahapon.
Ang Salaknib ay isang yearly exercise sa pagitan ng Philippine at US armies, na nakatuon sa pagpapalakas ng interoperability ng dalawang tropa.

Ngayong taon, ang nasabing exercise ay mahahati sa dalawang bahagi, ang una ay gaganapin sa March 13 hanggang April 4 habang ang pangalawang bahagi naman ay sa ikalawang quarter ng 2023.
Matatandaang una nang pinalawak ng Pilipinas ang access ng Estados Unidos sa 4 pang base militar nito sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement.//CA