305 paaralan target sa Pilot testing ng face-to-face classes ng DepEd Bicol

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ni Regional Director Gilbert Sadsad ng Department of  Education (DEPED) Bicol na mayroon na silang identified na paaralan na magsasagawa ng face-to-face classes sakaling payagan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Sadsad, nasa 305 na paaralan ang identifed sa buong Bicol Region na pilot area.

Pinakamaraming paaralan na magsasagawa ng F2F ay ang lalawigan ng Camarines Sur, Sorsogon anim at iba pang Probinsya ngunit maaaring mabawasan pa rin ang bilang ng magsasagawa ng pilot testing area na paaralan dahil sa magdedepende sa kalalabasan ng pangulo na papayagan na face to face.

Aniya, ang pag identified sa mga paaralan ay ginamitan ng school readiness assessment form,  commitment o suporta ng Lgu, barangay at magulang.

Tinitingnan din rito kung ano ang kondisyon ng Lgu kung ito ay nasa high, medium o low risk area sa covid 19.

Dagdag pa ng  ahensya na matagal ng pinagplanuhan ito na magsagawa ng face to face learning ang mga mag aaral subalit hindi pinapayagan pa ng pangulo ng bansa na makapagsimula dahil sa lumalalang kaso ng covid 19 at may mga naitatala na rin na variant sa bansa.

Nakahanda na rin ang mga paaralan na magsagawa ng kanilang face to face dahil sila rin mismo ang nagkaroon ng self assessment kasama ang mga division schools.

Aniya ang mga school heads at schools division na rin umano ang nagsumite ng requirements sa central office ng kanilang readiness para sa face to face learning.

Binigyan diin rin nito na ang mga magulang at Lgu na rin mismo ang sumisigaw o  humihiling na magkaroon na ng face to face dahil sa may mga magulang rin umano na hindi kayang maibigay ang assistance sa pagtuturo sa kanilang mga anak.

Sinabi ng opisyal, hinihintay na lamang ang final approval o desisyon ni Pangulong Duterte matapos magpresenta si Sec Leonor Magtulis Briones ng DEPED sa pinaplanong magkaroon ng pilot testing area na face to face classess nationwide para sa mga low risk area o covid free.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *