31 immigrants patay matapos lumubog ang bangka habang papuntang UK

Patay ang 31 na tao matapos lumubog ang sinasakyan nilang bangka habang patungo sa United Kingdom sa pamamagitan ng English Channel malapit sa Calais.

Ikinokonsidera ng International Organization for Migration ang insidente bilang “biggest single loss of life” sa Channel simula noong 2014.

Dahil sa insidente ay iginiit ni Prime Minister Boris Johnson na hindi sila titigil para mahinto ang human trafficking gang sa kanilang gawain.

Ilan sa mga nasawi ay limang babae at isang batang babae habang ilan din ang na-rescue pero mayroon ding nawawala.

Patuloy pang nagsasagawa ng rescue operation ang French at British authorities sa pag-asang mayroon pang maililigtas sa mga biktimang sakay ng lumubog ng bangka

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *