31 mga Pampublikong Paaralan mula sa Camarines Sur at Naga City kalahok sa gaganaping scouts parade and DXMC competition ngayong araw

NAGA CITY – Isa na namang parada ang mapapanood ngayong araw sa Naga City kaugnay sa nagpapatuloy na pagdiriwang ng Peñafrancia Fiesta, ang Scouts Parade  and DXMC Competition.

Ang mga kalahok nito ay ang mga boys and girls scout at ang kanilang Drum, Xylophone, and Majorette Corps.

Ang parade sa ganap na alas siyete ng umaga na magsisimula sa Panganiban Drive hanggang sa Plaza Quezon.

Sa pagharap sa press conference kahapon ng umaga ni City Councilor Lito del Rosario, na siyang chairman sa paghahanda, sinabi nitong nasa 31 mga paaralan ang mga kalahok.

Bukod sa Naga City, ang ibang mga kalahok ay galing sa mga paaralan sa Camarines Sur kabilang na sa Iriga City na pinasalamatan naman ng konsehal dahil sa suporta sa kompetisyon na ito.

May mga medical team personnel namang nakaantabay sa parada na siyang magbibigay ng saklolo sa oras na may participants o manonood na himatayin sa sobrang init.

Sa mga magulang at mga guro tiyakin na nasa ayos ang kalusugan ng mga bata bago ito palahukin sa parade, ayon sa konsehal. Pagkahapon naman agad itong susundan ng  1st Naga City Inter-School Mass Dance Competition.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *