31 PDL sa Sorsogon City District Jail nakapagtapos na sa ALS

SORSOGON CITY – Nakapagtapos na sa Alternative Learning System (ALS) ang 31 Person Deprived of Liberty (PDL) ng Sorsogon City District Jail.

Sa panayam ng Brigada News FM kay Sorsogon City District Jail, JSInsp. Atty. Rodolfo Verzosa Jr., sinabi nito na ang aktibidad ng pagtatapos ay ginanap sa pamamagitan ng isang Virtual Graduation and Completion Program.

Ayon sa opisyal, tinatayang 27 Junior High School Level at 4 na Elementary Level ang nakapagtapos sa naturang programa.

Aniya, nangangahulugan ito na maaari nang magpatuloy sa susunod na yugto ng kanilang pag-aaral ang mga nagsipagtapos.

Matatandaan na pangunahing layunin ng programa ay ang magamit ng mga PDL sa hinaharap ang kanilang pinag-aralan at natutuhan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *