Tumanggap ng tulong pangkabuhayan mula sa Department of Social Welfare and Development at Pamahalaang Panlalawigan ng Zambales ang mga rebel returnees.
Sa datos ng Provincial Government, nasa tatlumput isa na mga nagbalik loob sa gobyerno ang naging benipisyaryo ng programa.
Maaaring magamit ng mga ito ang natanggap na bigas at cash para sa pagsisimulang muli ng pamumuhay.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
PHOTO: Zambales for the People
