32.8-million, natukoy ng LGUs para sa vaccine priority list

Inihayag ni Interior Secretary Eduardo Año na umabot na sa 32.8-million na Plipino ang nakapagrehistro na para makasama sa priority lists ng Local Government Units sa vaccination program sa buong bansa.

Inilabas ng kalihim ang datos sa kanyang presentation sa Talk to the Nation ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Partikular na tinukoy ng LGUs ang 32,804,034 na Pilipino na kasama mula A1 hanggang C caregory para sa prioritization sa COVID-19 vaccines.

Naiulat rin ng Department of the Interior and Local Government na naipasa na ang 25,287 LGU COVID-19 vaccination action plans sa 36,006 na barangay health emergency response teams.

Samantala, meron rin 27,895 na quarantine facilities ang naging available para sa COVID-19 patients sa buong bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *