KORONADAL CITY- DRUG cleared na ang 159 ng 199 barangays sa lalawigan ng South Cotabato. Ito ang inihayag ni Police Lt.Col. Virlen Pampolina ng South Cotabato Police Provincial Office o SCPPO.
Sa datos, walo ang unaffected barangays habang 32 naman ang nananatiling apektado ng ilegal na droga.
Walo sa mga drug affected barangays ay nasa bayan ng Sto.Niño, 7 sa Polomolok, 6 sa Koronadal City, 5 sa Lake Sebu, 3 sa Tampakan, 2 sa Banga at isa sa bayan ng T’Boli.
Ngunit ayon kay Pampolina na nakapagsagawa na ang naturang mga barangay ng drug clearing operations at hinihintay na lamang ang certification mula sa Regional Committee on Barangay Drug Clearing Operation na pinamumunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA regional director.