34K, mamamatay sa ‘The Big One’ – PHIVOLCS

Nagpaalala ang PHIVOLCS na mas marami pa ang aasahang casualties sakali mang mangyari ang kahalintulad na lindol na tumama sa Morocco noong Biyernes.

Sa isang panayam – sinabi ni PHIVOLCS Director Teresito Bacolcol na mas mataas pa ang inaasahang death toll sa oras na mangyari na ang pinangangambahang ‘The Big One’, ‘o ‘yung pinaghahandaaang magnitude 7.2 earthquake sa greater manila.

Ipinaalala ni Bacolcol na posibleng sumipa sa 34,000 ang fatalities sakali mang mangyari na ito.

Maaari rin daw lumobo pa sa mahigit 114,000 ang mga masusugatan.

Sabi pa ng PHIVOLCS official – ang huling pagkakataong gumalaw ang West Valley Fault ay noon pang 1658 – ibig-sabihin, hinog na ito.

Kung maaalala, nito lamang nakaraang linggo nang idaos ang Third Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill para paghandaan ang mga ganitong uri ng scenario.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *