LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Sto. Domingo Municpal Health Office (MHO) na nasa 35% pa lamang ang coverage ng isinasagawang Measles, Rubella and Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA) ng Department of Health (DOH).
Ayon kay MHO Public Nurse, Lorraine Amador, tinatayang nasa 11 mga barangay na ang nabibigyan ng bakuna – measles and rubella vaccine para sa mga batang may edad 0-59 months, at 9-59 months, habang ang oral polio vaccine naman ay para sa mga batang may edad 0-8 months.
Layunin nito maprotektahan ang mga bata laban sa mga nabanggit sakit na lubos na nakakahawa.
Aminado rin si Amador na may mga magulang na ayaw bigyan ng bakuna ang kanilang anak dahil sa kanilang relihiyon na nirerespeto naman ng kanilang tanggapan.
Sa ngayon, target na bigyan ng bakuna ang mga bata mula sa malalaking barangay sa bayan.
Tiniyak naman ni Amador na babalikan pa rin ng mga ito ang ilang barangay na hindi pa nabigyan ng bakuna matapos magkasakit ang kanilang anak.
Samantala, ayon sa kanya, ang mga magulang ay maaaring pa ring magtungo sa kanilang opisina kasama ang kanilang mga anak upang sila ay mabakunahan .