HINDI bababa sa 35 katao ang patay matapos sumiklab ang isang apoy na nag resulta pa sa pagsabog ng isang gasolinahan sa southern Russian region.
Batay sa ulat ng emergency services sa naturang lugar, nagsimula umano ang apoy sa isang auto repair shop sa tabi ng highway ng Dagestani capital Makhachkala nitong Lunes ng gabi, na kalaunan ay umabot sa katabing gasolinahan.
Inilarawan ng mga nakasaksi ang insidente na tila isang ‘giyera’ dahil sa lakas ng apoy na bumalot sa lugar.

Maliban sa mga nasawi, aabot naman sa 105 ang mga naitalang nasugatan sa insidente kung saan 64 sa mga ito ang nagpapagaling sa ospital ng Dagestani habang ang 17 iba pa ay ililipat sa medical center ng Moscow dahil sa kritikal na kondisyon.
Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad para din matukoy kung may posibleng mapanagot sa insidente.### JUMEL DELA ROSA