Ipinadiriwang ngayong araw ng City of Ilagan ang ika-355th Founding Anniversary o mas kilala sa tawag ng Aggaw ng Ilagan na may temang โPanaddan nga nappanu tu pagayaya anna kebalinan ta tyempu na pandemya. โ
Kasabay nito ay ideneklarang special non-working holiday ang lungsod.
Ito ay bilang pagbibigay pagkilala at pagalala sa mga napagtagumpayan at kalulwahatian ng mga sinaunang Ilaguenos na nagpatibay sa kultura ng bawat Ilaguenos.
Isinagawa ngayong ang araw ang misa sa harap ng Ilagan City Hall kasabay ng inagurasyon ng stair at Flagpole ng naturang tanggapan at covered court, health center at day care center ng Barangay Gayong Gayong sur.
Sa naging pananalita ni Mayor Jay Diaz, binigyan niya din ng pagkilala ang mga frontliners na siyang naging kasangga ng bawat Ilaguenos sa gitna ng pandemya.
Bukod dito, ay inaalala din ni Mayor Diaz ang naging katatagan ng bawat Ilaguenos sa mga unos na dumating sa kanilang buhay lalo na noong kasagsagan ng Bagyong Ulysses.
Samantala, patuloy naman umano ang LGU Ilagan sa pagpapalakas ng Health at Education System sa Lungsod kung saan inaasahan sa susunod na taon ay maipapatayo na ang City University o City College of Ilagan.