36.9% ng mga senior citizens,  hindi nakatanggap ng pension noong 2020

Hindi bababa sa 36.9% ng mga senior citizens sa bansa ang hindi nakatanggap ng pension noong 2020 ayon sa ulat ng Philippine Institute for Development Studies.

Bumaba umano ang bilang na ito mula sa 78.9% ng mga Pilipinong may edad 60 at mas matanda na walang pensiyon noong 2011.

Bumaba ang porsyento dahil sa pagpapalawak ng social pension program kung saan ang mga kwalipikadong senior citizens ay tumatanggap ng P500 kada buwan mula sa DSWD.

Nais nang i-upgrade ng Kongreso ang social pension program para sa mga senior citizen na may P5 bilyong pondo sa 2023 national budget. Layunin nitong mabigyan ng P1,000 pension kada buwan ang lahat ng senior citizens sa bansa.

Gayunpaman, gustong tiyakin ng ilang mambabatas at grupo na lahat ng senior citizens ay dapat makatanggap ng pension

Ang universal pension bill ay nasa committee level na ng Kongreso.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *