Local News

37 anyos na lalaki, sugatan matapos saksakin ng kanyang kapitbahay na PWD sa Legazpi City

Sugatan ang isang 37 anyos na lalaki matapos itong saksakin ng kanyang kapitbahay na person with disability sa P-4, Brgy. Binanuahan, Legazpi City.

Kinilala ang suspek na si alyas “Willy”, 49 anyos habang ang biktima naman ay si Bernandito Vibal Bechayda, at ang mga ito ay parehong residente ng nasabing barangay.

Sa ekslusibong panayam ng Brigada News FM Legazpi sa suspek, nasa kasarapan siya ng pag-iinom ng alak nang bigla na lamang itong binato.

Makalipas ang pambabato ay agad na pinuntahan ng suspek ang bahay ni Bechayda na nasa kasarapan din ng pag-iinom ng alak at pagkakantahan, at sa hindi inaasahan, sa galit ng suspek ay dito na sinaksak ng dalawang beses nang malapitan ang biktima.

Mabilis na tumakas ang suspek sa hindi malamang direksyon matapos ang insidente.

Agad namang nagtungo sa himpilan ng pulisya ang biktima kasama ang eco-aide upang iulat ang nabanggit na insidente.

Dahil dito, agad na nagsagawa ng follow-up operation ang mga otoridad habang ang biktima ay dinala sa pinakamalapit na ospital upang mabigyan ng paunang lunas.

Mabilis namang nahuli ang suspek sa ginawa nilang man-hunt operation sa lugar.

Ayon pa sa suspek, mayroon na umano silang alitan dahil sa sinaksak rin siya nito at maswerte umano siya dahil hindi siya napuruhan.

BNFM Legazpi

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

13 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

13 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

13 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

13 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

13 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

13 hours ago