37 katao nagpositibo sa TB sa isinagawang mobile X-Ray screening sa bayan ng Irosin

SORSOGON CITY – Kinumpirma ng lokal na pamahalaan ng Irosin, Sorsogon na 37 mula sa 332 indbidwal na sumalang sa x-ray screening sa kanilang bayan ay nagpositibo sa sakit na Tuberculosis.

Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News FM Sorsogon, ang naturang x-ray screening ay libreng inilunsad ng Department of Health (DOH)-Bicol katuwang ang Provincial Health Office (PHO) at iba pang pribadong kompanya na kaagapay ng pamahalaan sa usaping pangkalusugan.

Ayon sa Municipal Health Office (MHO), sila na ang aalalay sa mga nagpositibong indibidwal pagdating sa pagpapagaling ng mga ito at upang hindi na kumalat pa sa kanilang mga kapamilya dahil gaya ng COVID-19 ito ay nakakahawa din na sakit na hindi maaaring balewalain.

Una rito, nagpaabot ng pasasalamat ang LGU sa ginawang mobile x-ray screening sa kanilang bayan kasabay ng pagpapaalala sa lahat ng mga mamamamayan sa pagkakaroon ng healthy lifestyle at pag-iwas sa paninigarilyo at paglanghap ng mga usok na pangunahing dahilan ng sakit na TB at iba pang respiratory diseases.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *