164 families sa Cagayan at Batanes, nakatakdang mabigyan ng 5,000 cash assistance

Nakatakdang mabigyan ng 5,000 pesos cash assistance mula sa DSWD Region 2 ang 164 na pamilya sa probinsya ng Batanes at Cagayan na naapektuhan ng bagyong Kiko.

Ito ay batay sa inisyal na report at pagsusuring isinagawa ng naturang ahensya.

Kaugnay dito, mula sa 174 na kabahayan ay 28 dito ang totally damaged at 142 ang partially damaged sa Ivana at Mahatao, Batanes.

Habang 2 bahay ang totally damaged at 4 ang partially damaged sa Calayan, Cagayan.

Inihayag ni DSWD Regional Director Cezario Joel Espejo na kasalukuyan na ang balidasyon ng Social Welfare and Development Teams (SWADTs) sa mga apektadong probinsya.

Ito ay upang matiyak na karapat-dapat ang mag naiulat na pamilya na mabigyan ng 5,000 financial assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng ahensya.

Samantala sa panayam naman ng 92.9 Brigada News FM Cauayan ka DSWD RFO2 Disaster Response and Management Division Chief Marciano Dameg, kanyang hinikayat ang mga barangay officials sa mga naapektuhang lugar ng bagyong Kiko na ireport lamang ang totoong naapektuhan o nasira ang bahay dulot ng bagyo upang mapagkalooban ng agarang serbisyo mula sa DSWD at iba pang ahensya.

Sa ngayon ay nasa 1,915 na pamilya na sa rehiyon ang naiulat na naapektuhan ng bagyong Kiko kung saan 13 rito ay kasalukuyang namamalagi sa evacuation center sa Batanes.

Photo/OEB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *