38 anyos na suspek sa iligal na droga, huli sa buy-bust operation sa bayan ng Paracale

CAMARINES NORTE- Isang 38-anyos na lalaking suspek sa pagbebenta ng iligal na droga ang nadakip ng mga otoridad sa isinagawang buy-bust operation nitong June 16, 2021 dakong 9:50 PM sa Purok Yakal B, Barangay Poblacion Norte, Paracale, Camarines Norte.

Kinilala itong si Salvador Ceruelos Y Basto , residente ng Barangay Poblacion Norte, Paracale, Camarines Norte.

Nakuha sa pag-i-ingat nito ang isang (1) piraso ng maliit  na pakete ng hinihinalang “shabu” na may tinatayang halaga na humigit kumulang limang daang piso (₱500.00); tatlong (3) piraso ng maliliit na pakete ng hinihinalang “shabu” na may tinatayang halaga na humigit kumulang na tatlong libo at limang daang piso (₱3,500.00); isang  (1) piraso ng limang daang piso (₱500.00) na nagsilbing buy bust money.

 Si Ceruelos ay nasa kustodiya na ng Paracale MPS para sa kaukulang disposisyon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *