38 pamilya sa Calabanga, Camarines Sur  inilikas dahil sa banta ng landslide

NAGA CITY – Nagsagawa ng pre-emptive evacuation ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office Calabanga Camarines Sur sa Sitio Buri, Barangay Camuning nitong linggo Feb. 19, 2023  ito ay kaugnay nga ng halos walang tigil na pag ulan sa probinsya ilang araw na ang nakalilipas dahil sa amihan na maaring magdulot ng landslide.

Ayon sa MDRRMO Calabanga, umabot sa 38 pamilya ang lahat ng kanilang nailikas, na may kabuohang 98 na indibidwal; 50 sa mga ito ay edad 0-14, 46 naman dito nag e-edad 15 pataas, 8 naman dito ay matatanda o senior citizen.

Sa ngayon nanatili ang mga evacuees sa Camuning Elementary School at nakabantay naman ang mga tauhan ng BDRRMC para masiguro ang kanilang kaligtasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *