38 Distressed OFW, natulungan ng programang Balik Pinas Balik Hanapbuhay Program ng OWWA R02

Nakatanggap ang tatlumput walong distressed OFW ng Livelihood Assistance sa ilalim ng Balik Pinas Balik Hanapbuhay Program ng OWWA R02.

Pinangunahan ang distribusyon nina Almira Pattugalan, Disbursing Officer, Crista Marie Buco, Family Welfare Officer, and Eusebio Bangayan Jr.

Kabuuang 630,000.00 livelihood assistance ang ipinamahagi sa nasabing mga OFW mula Claveria at Sanchez Mira Cagayan.

Ang BPBH ay isang livelihood support / assistance package na layuning bigyan ng agarang tulong ang mga nagbalik bansa na mga OFW-member (distressed/displaced) bilang panimula o karagdagang kapital para sa livelihood project.

Sa ilalim ng programa, makakatanggap ang – Active OWWA member: ng 20,000.00 , Inactive OWWA member with more than one membership 10,000.00 at ang Inactive OWWA member na may isang miyembro ay makakatanggap ng limang libong piso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *