395 NA PAMILYA SA BATANES, POSIBLENG MAPABILANG SA MGA 4PS BENEFICIARIES

Aabot sa 395 na pamilya sa probinsya ng Batanes ang potensyal na mapabilang sa mga benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps ng Department of Social Welfare and Development Region 2.

Ito ay matapos magsagawa ng paghahanda sa balidasyon at pagpaparehistro ng ahensya kung saan nagkaroon ng inspeksyon sa bawat munisipalidad.

Napag-alaman na wala pang mga benepisaryo ng 4Ps sa buong probinsya ng Batanes dahilan upang magsagawa ang ahensya ng monitoring para sa Listahanan 3.

Ang bayan ng Basco ang may pinakamaraming bilang ng mga potensyal na benepisaryo kung saan mayroong natukoy na 153, sinundan ng Itbayat na may 121, habang ang bayan naman ng Sabtang, Uyugan, Mahatao at Ivana ay mayroong kabuoang 102.

Tiniyak naman ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batanes ang suporta upang maging maayos ang implementasyon ng 4Ps sa probinsya at ipinasigurado na ang mga labis na nangangailangan ang magiging benepisaryo.

Kaugnay dito, upang maging transparent sa publiko ay ipinaskil sa mga bulletin board ang pangalan ng mga napabilang sa listahan ng DSWD.

Magkakaroon naman ng labinlimang araw na balidasyon matapos ang pagpapaskil upang masigurado na karapat-dapat ang mga ito sa programa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *