3rd shot ng Moderna mabisang panlaban kontra COVID-19 variants – Study

Inihayag ng Moderna Inc. na lumabas sa human trial data na makakadagdag sa immunity sa variants ng COVID-19 na mula sa Brazil at South Africa ang third dose ng COVID-19 shot.

Ayon sa Moderna, napapalakas ang antibodies laban sa original version ng COVID-19 ang booster shots.

Base sa isinagawang trial ng Moderna sa 40-tao, ang ginamit na bakuna nito ay iba pang version na na-developed para protektahan laban sa South African variant ng COVID-19 na mRNA-1273.351.

Lumabas sa pag-aaral na mas malaki ang response ng booster shot sa variant na mula sa South Africa.

Pinag-aaralan din ng Moderna ang shot na ihahalo sa bago at existing na bakuna kontra sa coronavirus.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *