4.3 magnitude na lindol sa Camarines Sur, hindi maiuugnay sa MT. Isarog at Mt. asog ayon sa DOST-PHIVOLCS

NAGA CITY- Kasabay ng takot ng mga residente sa Camarines Sur sa 4.3 magnitude na lindol, maging sa naramdanan na 6 sa 20 aftershocks nito, nag-alala ang maraming residente at inakalang konektado ang lindol sa Mt. Isarog at Mt. Asog.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga Dr. Paul Karson Alanis, Senior Science Research Specialist ng Department of Science and Technology- Philippine Institute of Volcanology and Seismology o DOST-PHIVOLCS, sinabing dahil ito sa active fault line sa bansa.

Ang fault line ay dumaraan sa Camarines Sur konektado sa Albay at ang isa ay sa Masbate.

Aktibo parin ang dalawang nabanggit na bulkan subalit ayon kay Alanis, wala silang na-dedetect na paggalaw ng magma sa ilalim ng dalawang bulkan.

May tectonic earthquake aniya na nairerecord subalit adjustments lamang ito ng lupa kapag may mas malakas na lindol tulad nang nangyari nitong Huwebes ng gabi.

Sa huli, ipinaalala nito ang duck , cover and hold upang maprotektahan ang ulo at ang sarili, kung tumigil na ang pagyanig saka huwag magpanig na lumabas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *