4-5 pang mga suspek sa Degamo shooting – patuloy na tinutugis ng mga otoridad

Nasa apat hangggang lima pang mga suspek na maaring direktang may partisipasyon sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo, ang subject ng manhunt, matapos na una nang mahuli ang tatlong iba pa.

Pero ayon kay Police Regional Office 7 spokesperson Police Lieutenant Colonel Gerard Ace Pelare, na may iba pang mga suspek na nakiisa sa pamamagitan ng inducement, o yung mga facilitators at mastermind.

Kaugnay nito, naniniwala ang pulisya na ang apat hanggang limang suspek sa shooting incident ay hindi pa nakakalabas ng Negros Oriental.

Dahil dito, hinimok ni Pelare ang mga residente na makipag-ugnayan sa mga otoridad sakaling may mapansin silang kahina-hinalang indibidwal sa kanilang mga kumunidad.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *