4 arestado sa drug den sa Camaligan Camarines Sur

NAGA CITY- Arestado ang apat katao matapos na kumagat sa buy bust operation at maaktuhan sa pinaniniwalaang drug den sa Camaligan Camarines Sur.

Ikinasa ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) at PNP ang operasyon sa Barangay San Roque. Una buy bust operation laban kay William Gados , 57-anyos ng parehong barangay. Si Gados ay kabilang sa provincial target list. Naabutan sa bahay nito na umano’y drug den ang mag-amang sina Joel Abanes, 49-anyos construction worker at Tricia Ann Abanes, 25-anyos pati ang fish vendor na si Ronald Felicitas, 36-anyos.

Aminado ang mga ito na bumabatak sila ng ilegal na droga. Nakumpiska ng mga otoridad ang tinatayang 12 gramo ng hinihinalang shabu na naghahalaga ng P81,600.00.

Narekober ang 5 wala nang lamang plastic sachets, tatlong improvised totter at ginupit na aluminium foil. Mahaharap na ang mga ito sa kaukulang kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *