4 arestado sa paglalaro ng tupada sa Sto. Tomas City, Batangas

Arestado ang apat na mga kalalakihan matapos na maabutan ng mga otoridad na naglalaro ng iligal na sabong sa Brgy. Agustin, Sto. Tomas City, Batangas.

Kinilala ng Sto. Tomas City Police Station ang mga naaresto na sina Romnick Bobis, 24 anyos, residente ng Brgy. San Agustin nitong lungsod at ang tatlong mga dayo mula Brgy. San Andres, Alaminos, Laguna na sina Rodel Nebrija, 47; Adrian Maldia, 32 at Jun Tolentino, 33 anyos.

Ayon sa imbestigasyon, akto ang mga ito na naabutan ng mga awtoridad na naglalaro ng sabong bandang 11:30 ng umaga noong Linggo.

Narekober mula sa mga ito ang dalawang manok, dalawang tari at ang mga taya na nagkakahalaga ng Php 1,100.00.

Nahaharap na ang mga ito sa kasong paglabag sa PD 449, partikular na ang “Illegal Cock-Fighting” at sa ipinapatupad na mga quarantine protocols.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *