4 arestado sa tupada; Kapitan, nakatakas

SORSOGON CITY โ€“ Arestado ang apat katao na pawang mga sabungero dahil sa paglabag sa PD 449 o illegal cockfighting subalit nakatakas ang isang Punong Barangay sa pagsalakay ng mga awtoridad sa Brgy Ogao sa bayan ng Gubat, Sorsogon.

Kinilala ng pulisya ang mga naaresto na sina Rogelio Enrera Joven, 62-anyos, may asawa; Dennis Domingo Eresmas, 31-anyos, may asawa, contructin worker; David Em Joven, 75-anyos, may asawa, construction worker; Francisco Gobrin Leonida, 65-anyos, may asawa habang nakatakas ang Punong Barangay na si Rhyan Escultura, lahat residente ng nasabing barangay.

Batay sa ulat, nakatanggap umano ng tawag sa kanilang hotline number ang Gubat Police mula sa isang concerned citizen hinggil sa nagaganap na tupada sa nasabing lugar.

Narekober sa isinagawang operasyon ng mga operatiba ang dalawang buhay na manok na panabong, P2, 484.00 bet money at dalawang tari.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *