4 bayan sa Camarines Sur, nakapagtala ng landslide incidents; 27 na bayan naman binaha

NAGA CITY- Apat na mga bayan sa Camarines Sur ang nakapagtala ng landslides o pagguho ng lupa dahil sa ilang araw nang pag-uulan  na dala ng shearline at amihan.

Ang mga ito ay Garchitorena, Presentacion at ang dating naiulat na Lagonoy at Lupi. Wala namang naiulat na nasugatan sa pangyayari

Samantala 27 na mga bayan ang nakararanas ng pagbaha.  Sa lugar na ito wala sa listahan kahapon ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council ang Milaor na dati ring laging binabaha.

Gayunpaman sinabi ni Alex Hidalgo ng MDRRM na ang ini-apply nila ang mga measures o dapat gawin at dapat na maibigay na pagkain noong nagplano sa posibleng epekto ng nagdaang Bagyong Rosal, kahit kahapon ng umaga ay hindi pa naman sila gaano apektado,

Sa huling ulat ng PDRRMC kahapon ng tanghali umabot na sa 550 katao ang inilikas mula ito sa pitong mga bayan. Pero nadagdagan pa ang bilang dahil nagtulog-tuloy ang pagpapalikas halimbawa na lamang sa Libmanan na kagabi ay mayroon nang 2, 024 indibidwal na nag evacuate.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *