4-buwang gulang na bata, nasawi sa sunog sa Camarines Sur

NAGA CITYKalunos-lunos ang sinapit ng isang 4-buwang gulang na bata sa Ocampo Camarines Sur, nasawi sa sunog habang nasugatan naman ang kapatid at ina nito.

Sa report ng Bureau of Fire Protection-Ocampo, nangyari ang insidente pasado alas-7 Biyernes ng gabi sa Zone 1 Barangay Ayugan. Umalis sandali ang 27-anyos na inang si Leizel Lanuzga upang kumuha ng pagkain, naiwang tulog ang batang si Renz kasama ang 7-anyos nitong kapatid na si Princess.  Nasa trabaho naman sa ang padre de pamilya sa Batangas.

Nakita na lamang ng kalapit bahay na lumalagablab na ang tahanan, sumaklolo ang Ina kaya ang tatlo ay nagtamo ng 3rd degree burn. Dinala sa Bicol Medical Center ngunit nasawi si Renz.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni FO3 Ronald Busadre, mabilis sana silang nakapagresponde ngunit nasa gitna ng palayan ang bahay at gawa pa sa light materials.

Sa imbestigasyon, maaaring sa naiwang kandila sa kwarto nagmula ang sunog, wala aniyang patungang hindi mabilis makapitan ng apoy at maaari rin namang tumama ang tela o kaya kulambo sa kandila dahilan upang gumapang ang apoy.

Kaugnay nito, papaigtingin ng Bureau of Fire Protection ang Oplan Ligtas na Pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *