4% inflation target sa Disyembre, posibleng sumablay dahil sa pagtaas ng presyo ng pagkain

Mahihirapan ang gobyerno na makamit ang target na 4 percent inflation o bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin pagsapit ng Disyembre.

Ito ang lumabas sa naging interpellation ni Northern Samar Representative Paul Daza sa General Principles and Provisions ng 2024 General Appropriations Bill nang itanong nito ang mga hamon na kinahaharap ng Medium Term Fiscal Framework.

Ayon sa sponsor na si Marikina City Second District Representative Stella Quimbo, posibleng sumablay ang 4 percent na target bunsod ng kontribusyon ng food inflation matapos tumaas ang presyo ng sibuyas at bigas na nagsisilbing “driver” ng pagsipa ng inflation rate.

Paliwanag ni Quimbo, dahil sa naitalang 4.3 percent na gross domestic product o GDP growth noong nakaraang buwan dulot ng binawasang government spending ay maaapektuhan ang overall target ng Development Budget Coordination Committee ngayong taon.

Bahagi naman umano ng National Expenditure Program ang hangarin na masiguro ang suplay ng pagkain sa pamamagitan ng malaking pondo para sa Department of Agriculture at social aid ng DSWD para labanan ang inflation.

Samantala, nananatiling nasa 5 percent GDP ang inilaan ng economic managers para sa growth infrastructure na inaasahang magpapabilis sa paglago sa taong 2024.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *