4 katao, kalaboso dahil sa iligal na sabong kasabay ng pagpapatupad ng no movement on sunday sa lungsod!

KALABOSO ang apat na mga sabungero na inabotan ng raiding team mula sa pinagsanib na pwersa ng CIDG BARMM at City PNP Station-2, dakong alas 3:00 nitong hapon ng Linggo sa Gen. Luna St. Brgy. Rosary Heights 5.

Ayon sa report mul sa CIDG BARMM ang mga naaresto ay kinilalang sina, BONGBONG KALAING CARTEL, 42 anyos, JULQUIRIE UNTONG COMPANIA, male, 18, MIKE SARODIN ANGIE, 41 at HARON ABAS KUSAIN, 42 na pawang mga residente ng 1st Street, Gen. Luna, Rosary Heights 5, Cotabato City.

Lumalabas sa imbeatigasyon na isang impirmante ang nagpaabot ng report sa mga otoridad dahil sa nagaganap na iligal na sabong sa kabila ng mahigpit na pagpapatupad ng No Movement Sunday.

Narekober ng mga otoridad ang Dalawang manok na pawakan o ASEEL at ang bet money na P1, 180.00.

Nahaharap ngayon sa kasong violation P.D. 449 at R.A 11332.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *