4 katao patay, 70 sugatan matapos mag-collapse ang bullring grandstand sa Colombia

Umabot sa 70 katao ang nasugatan habang 4 naman ang namatay matapos mag-collapse ang bullring grandstand sa El Espinal, Colombia.

Sinasabing ang naturang bull-running event ay kasabay ng feast day ni Saint Peter at Saint Paul na ipinagdiriwang doon.

Ayon kay civil defense director Major Luis Fernando Velez, wala na man umanong na-trap sa naturang insidente at nahanap na ang naiulat na mga nawawala.

Samantala, inihayag ni Velez na gawa sa kahoy ang naturang stand na posibleng sanhi ng agad na pagkasira nito. (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published.