4 kinasuhan ng SWMO  sa Naga dahil sa maling oras, araw at klase ng basurang itinapon

NAGA CITY – Apat na indibidwal mula sa Naga City ang nasampulan at kinasuhan na ng City Solid Waste Management Office dahil sa maling oras, araw at klase ng basurang dapat na itapon.

Ito ang napag-alaman ng Brigada News FM Naga kay Engr. Joel Martin, Head ng SWMO.

Kung saan parte ito nang pagiging mahigpit ng opisina, lalo na’t ilang mga indibidwal pa rin na mula sa ibang bayan patuloy pa ring nagtatapon ng basura sa lungsod.

Samantala, halos ₱2,000.00 ang penalidad sa unang offense at maaari ring makulong kapag naging paulit-ulit.

Nakabantay at nakatutuk rin ang opisina sa Sanitary Landfill lalo na ngayong dry season dahil iniiwasan ang pag-alingasaw ng basura kaya nilalagyan ng soil cover, nakatitiyak rin na walang gas pipe exploitation na posibleng mangyari.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *