Kumpirmadong patay ang apat na minero sa Barangay Umiray General Nakar Quezon.
Batay sa inisyal na impormasyon mula sa Quezon Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), nangyari ang pagguho ng lupa pasado ng alas-kuwatro ng madaling araw kahapon.
Iniugnay ng PDRRMO ang ilang araw na nararanasan na pag-ulan kaya’t lumambot ng tuluyan ang lupa at natabunan ang apatna minero.
Pahirapan naman ang ginawang search and rescue operations pero nakuha naman na ang mga labi ng apat at inilipad na patungo sa Camp Capinpin sa Tanay, Rizal.
Sa ngayon, hindi pa inilalabas ng PDRRMO ang pangalan ng mga nasawing minero.