Na-rescue ang apat na indibidwal na biktima umano ng human trafficking sa bayan ng Floridablanca, matapos ang ikinasang magkahiwalay na operasyon ng CIDG at Floridablanca municipal police station.
Sinalakay ng mga otoridad ang Triple J bar at Julie Bar na pawang nasa Palapauan barangay Consuelo kung saan nag ta-trabaho ang mga biktima kung saan nagsasagawa umano ng nude show.
Arestado ang mga suspek na kinilalang sina Joy Manasan na may ari ng Triple J bar, Albert Manalansan na may ari naman ng Julie Bar at Robinson Navarro.
Ang mga naturang suspek ay leader at myembro ng Manasan Criminal group na sangkot sa human trafficking.
Sa ngayon inihahanda na ng pulisya ang karampatang kaso na isasampa laban sa mga ito.