4 NA INDIBIDWAL NA NAAKTUHANG NAGSUSUGAL, ARESTADO

Arestado ang apat na indibiwal matapos maaktuhang nagsasagawa ng iligal na sugal sa Barangay Concepcion, Solano, Nueva Vizcaya.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa Solano Police Station, ang apat na naaresto na hindi na pinangalanan pa ay nahuli sa malawakang operasyon ng PNP Solano upang labanan ang illegal gambling.

Una rito ay nakatanggap umano ng impormasyon ang kapulisan hinggil sa iligal na pasugalan sa nasabing barangay na agad namang tinugunan kung saan dito naaktuhan ang mga naaresto na nagsusugal ng pepito.

Nasamsam mula sa kanilang pag-iingat ang isang set ng baraha at bet money na nagkakahalaga ng P1,040.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Solano Police Station ang mga naaresto at nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o Illegal Gambling.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *