4 na kabahayan sa Magarao, Camarines Sur nasunog; naiwang pinaglutuan, hinihinalang dahilan

NAGA CITY – Tinupok ng apoy ang 4 na kabahayan sa Magarao Camarines Sur; ang 4 na pamilya kabilang ang mga bata at matanda ay nanatili ngayon sa evacuation center ng Barangay Sta. Rosa.

Emosyunal na humarap sa Brigada News FM Naga si Elsie Alabat, isa sa mga nasunugan, labis ang panlulumo nito sa kanilang gamit pero hindi siya nawawalan ng pag-asa.

Ayon kay SFO3 Glenn Aven OIC Fire Marshall ng Magarao, ang naiwang pinaglutuan ng pamilya Archiano ang pinagmulan ng sunog matapos na maaga umanong umalis ang mag-anak at naiwan na mayroon pa itong baga.

Naging mabilis ang pagkalat ng apoy dahil sa lakas ng hangin sa lugar, kung saan nasa tabi lamang ng palayan ang mga kabahayan.

Naging mahirap naman sa panig ng BFP ang pagresponde sa lugar dahil masikip ang daan at hindi ito abot ng water hose.

Malaki naman ang naitulong ng isinagawang bucket relay ng mga residente sa lugar dahil mayroong malapit na ilog sa mga nasusunog na kabahayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *