4 na katao, arestado sa magkakahiwalay na operasyon kontra ilegal na droga sa apat na bayan sa probinsya ng Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Arestado ang apat na katao sa isinagawang magkakahiwalay na operasyon kontra ilegal na droga sa apat na bayan sa lalawigan ng Camarines Norte.

Isinagawa ang nasabing operasyon noong araw ng semana santa mula ika-3 hanggang ika-9 ng Abril taong kasalukuyan.

Sa bayan ng Daet, isang 32-anyos na lalaking kabilang sa Regional Drug Related Data Integration and Generation System (DRDIGS) at miyembro ng Rey Gutierrez Drug Group ang naaresto noong Abril 4, 2023 kung saan nakumpiska sa suspek ang nasa 5.1236 gramo na iligal na droga na may tinatayang halaga na Php 33, 216.00.

Natimbog naman sa bayan ng Mercedes ang isang lalaking tulak ng iligal na droga sa kanilang ikinasang buy-bust operation noong Abril 4, 2023 dakong 9:15 ng gabi sa Purok 1B, Brgy. San Roque, Mercedes, Camarines Norte. Nakuha sa pangangalaga ng suspek ang nasa 0.2453 gramo ng iligal na droga na may estimated amount na Php1,668.04.

Isa namang 33-anyos na residente ng Purok-3, Brgy. Masalong, Labo, Camarines Norte na tulak ng iligal na droga ang nasakote sa bayan ng Labo nitong Abril 5, 2023 kung saan nakumpiska sa suspek ang nasa 0.3666 bigat ng iligal na droga na may katumbas na halaga na Php 2,492.88.

Nalambat naman ang isang lalaking tulak ng iligal na droga sa bayan ng Capalonga MPS sa kanilang ikinasang drug buy-bust operation noong Abril 5, 2023 dakong 1:00 ng madaling araw sa Purok-1, Brgy Catabaguangan, Capalonga, Camarines Norte. Narekober sa suspek ang nasa 0.5245 gramo na may tinatayang halaga na Php 3,566.00.

Sa kabuuan ng operasyon laban sa ipinagbabawal na droga ngayong semana santa ay may tinatayang 6.26 gramo na may katumbas na halagang Php 40,942.92 ang nakumpiska mula sa mga suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *